Panalangin kay Artémides Zatti

Panginoong Hesukristo,

Tinawag Mo si Beato Artimides Zatti na maging isang relihiyosong Salesyano upang paglingkuran Ka sa mga maralita at nangangailangan.

Pinagkalooban Mo siya ng katatagan upang maialay nang buong galak ang kanyang sarili at magpunyagi para sa kanyang mga kapatid na dumaranas ng karamdaman maging kapalit nito'y ang kanyang kawalan ng kapahingahan.

Minarapat Mong gawin siyang isang mabuting tao na batid kung paano isabuhay nang may katapatan ang Iyong Magandang Balita sa pamamagitan ng pang-araw-araw na gawaing nilalakipan ng tahimik na pagsasakripisyo.

Nawa ang kagalakang dulot ng pagkabatid namin na siya'y kabilang sa mga huwarang nagniningning sa Iyong piling ay makatulong sa aming sumaksi at tumulad sa kanyang halimbawa.

Sa pamamagitan ng kanyang panalangin ay hinihiling namin sa Iyo ang biyayang:

(May buong pananampalatayang banggitin ang natatanging kahilingan)

Ipagkaloob Mo nawa ito kung ang katugunan nito'y maghahatid sa amin ng pagdakila sa Iyong Pangalan at ng karangalan sa Iyong lingkod na si Beato Artimides Zatti.

Amen.


Translated from the English version found in the Official Website (https://zatti.org/en/inicio-english/).